like i promised. eto na un arra...
**********
meron akong isang kaibigan. matagal ko na rin syang kilala. elementary days pa.
tandang-tanda ko pa, close kami noon. kulitan dito, kalokohan don.
sad to say, kasabay ng paglaki ay ang paghihiwalay naming dalawa. may kanya-kanya nang grupo. gumuhit ng isang linyang tila nagtatakda ng hangganan naming dalawa. ewan ko ba. bigla na lang nangyari. hindi ko napigilan.
malaki na kami ngayon. may sarili nang buhay. magkaiba na ng kapaligirang ginagalawan.
isang araw may natanggap akong text message. nung una, wala lang.
musta na? eto, ok lang naman. blah. blah. blah.
nagulat ako nang bigla syang tumakbo papunta saken. hindi ko inaasahan ang pangyayari. umiiyak sya at may problema.
sabi ko pa nga, "alam mo? ang sarap mong batukan!"
oo. batukan. ang sama ko noh?
ewan. cguro nahihiya lang ako. hindi ko alam kung pano sasabihin na "halika nga d2. d2 ka lang sa tabi ko para hindi ka masaktan."
pero sa kakulitan ko, tingin ko naman, napatawa ko sya khit pano. sana nga.
sana nga nagawa ko yun sa isang kaibigang dati ko ring iniwan. na ngayon, ayoko nang iwanan.
a message for you.
before you go deeper into my thoughts, let me say a few words.
1. don't look for a tagboard. i didn't put one on purpose.
2. don't judge me. this is my page, not yours.
3. if you don't want to finish reading my latest posts, please read the image found at the bottom of this page.
welcome inside my nutshell!
Monday, August 6, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


3 comments:
Ericka, my gosh, ang sweet mo. Nung nabasa ko yung "halika dito...", parang gusto ko nang tumakbo papuntang Binangonan o kung nasaan ka man. I love yah, Mamee. Thanks.:* - Arra
anu nga ulet url mo? ;p
http://heyerruh.livejournal.com
Post a Comment